Panuto: Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at malungkot na mukha kung hindi. 1. Paglilingkuran ko ang mga nangangailangan sa mga hikahos na lugar 2. Isasaisip ko ang kapakanan ng mga tao kapg nag-organisa ako ng mga programang pangmisyon sa ibang lugar 3. Magbibigay lamang ako sa aking mga kamag-anak at kaibigan. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na magbigay ng mga laruan at damit sa mga batang nabiktima ng kalamidad. 5. Hindi ko papansinin at pag-aaksayahan ng tulong ang mga taong mahihirap dahil mapapagod lang ako 6. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa kanya ay mawawalan siya ng matutunan Ayaw sumang-ayon ni Noel dahil mahilg siyang maglakwatsa. Pinabayaan na lamang ni Tony si Noel sa kanyang nais. 7 Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina. Binatak ni Grace na itago na lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian. Dahil dito ay magkasamang ipinagbigay alam ng magkaibigan sa opisina ng Lost and Found ang napulot na pitaka. 8. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta sa langit kapag namatay, hindi pumayag si Pedro at sinabing sinungaling siya. 9. Ang mag-asawang uita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa darating na halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga napipisil na kandidato. Malugod na tinanggap ng mag-asawa ang kanilang mga napagdesisyunan. 10. Ang magkapatid na Jane at Bea ay nanood ng patimpalak sa plaza. Sa kanilang pag-kritiko, sinabi ni Jane na mas magaling ang unang kalahok. Ngunit hindi pumayg si Bea, ayon sa kanya ay mas magaling ang ikalawang kalahok. Dahil dito ay nagtalo ang magkapatid