1.anu ano ang mga katangian na hahangarin mong taglayin ng isang tao na nais mong maging matalik na kaibigan?ipaliwanag

2.kung ikaw ay isang mataas na pinuno noong pagdating ng mga taga europa sa pilipinas,ano ang hakbang na iyong gagawin?ang makipaglaban o tanggapin ang mga dayuhan?bakit?




pa answer po sana po ay makatulong po kayo
salamat po​


Sagot :

Explanation:

NOONG Disyembre 25, 2010, isang 42-anyos na babae sa Britain ang nag-post ng suicide note sa isang kilaláng social networking site. Para siyang nagmamakaawa sa message niya. Pero kahit mahigit isang libo ang “friends” niya sa Internet, wala man lang dumamay sa kaniya. Natagpuan ng mga pulis ang bangkay niya pagkaraan ng isang araw. Namatay siya dahil sa overdose.

Dahil sa modernong teknolohiya, napakadali na ngayong magkaroon ng daan-daan o libo-libo pa ngang “friends” sa social network—basta idagdag lang natin ang pangalan nila sa listahan ng ating mga contact. At kung ayaw na nating maging “friend” ang isang tao, idi-delete lang natin ang pangalan niya sa ating contact list. Pero pinatutunayan ng karanasan ng babae sa Britain ang isang masaklap na katotohanan—hiráp pa ring makahanap ng tunay na kaibigan ang marami. Sa katunayan, ipinakikita ng isang surbey kamakailan na kahit mas madalas tayo ngayong nakikisalamuha sa iba, bumababa pa rin ang bilang ng ating tunay na malalapít na kaibigan.

Gaya ng marami, marahil ay sang-ayon ka rin na mahalagang magkaroon ng mabubuting kaibigan. Pero alam mo rin na ang pakikipagkaibigan ay hindi lang basta pagki-click ng mga link sa iyong computer o cellphone. Ano ang hinahanap mo sa isang kaibigan? Paano ka magiging isang mabuting kaibigan? Ano ang kailangan para tumagal ang pagkakaibigan?

Isaalang-alang natin ang apat na mungkahi, at tingnan kung paano makatutulong sa iyo ang payo ng Bibliya para magkaroon ka ng mga katangiang hinahanap ng mga tao sa isang kaibigan.

Answer:

1. mas hihilingin kong magkaroon ng kaibigan na masakit magsalita ngunit totoo, dahil alam kung nais lamang ako nitong dalhin sa tamang landas at gisingin.