Lagyan tsek () kung tama ang nakasaad sa pangungusap at ekis (X) naman kung hindi 1. Naipapakita ang tamang espasyo sa isang gawaing sining sa pamarpagitan ng paglalagay ng foreground, middle ground at background. 2. Ang espasyo, bilang elemento ng sining, ay ginagamit ng pintor upang maipakita ang distansiya ng mga bagay na kasing-halaga rin ng mga hugis na kaniyang iginuhit 3. Mapapansin na ang mga bagay na nsa foreground ay nasa likod at kadalasang maliit ang pagkakaguhit. 4. Ang pagguhit ng pamayanang kultural ay magpapakita ng kalapitano kalayuan sa pagitan ng bawat bagay sa isang likhang sining na tinatawag na linya. 5. Ang middle ground ay may katamtamang laki ng mga bagay at nasa panggitnang puwesto. 6. Ang salitang Ivatan ay nagmula sa salitang "i-pugo na ang ibig sabihin ay "mga tao sa burol". 7. Ang mga datu o mga Maranao na may mataas na katayuan sa lipunan ang nagmamay-ari ng mga tahanang tinatawag na torogan. 8. Kilala ang sikat na sayaw na tinikling ng mga Maranao sa buong bansa. 9. Yari sa abaka ang headgear ng mga babaeng Ivatan at ginagawa itong pananggalang sa init at ulan. 10. Ang mga katutubong Pilipino ay may iba't ibang tanawin sa pamayanang kultural na may natatanging uri ng tahanan at paraan ng pamumuhay sa kanilang komunidad