Banghay sa mga kuku ng liwanag

Sagot :

Answer:

   Si Julio ay isang mahirap na mangingisda. Siya ay may kasintahang nagngangalang Ligaya. Isang araw ay umalis ang kanyang nobyang si Ligaya kasama si Ginang Cruz. Pinangakuan diumano ni Ginang Cruz si Ligaya na makakapag-aral at magkakaroon ng hanap-buhay sa Maynila.

              Sa di katagalan ay sumunod si Julio sa Maynila upang puntahan si Ligaya, ngunit siya ay nabiktima ng mga mapanlamang na tao. Si Julio ay inabuso, nagtrabaho bilang construction worker at napilitang ipagbili ang sarili upang kumita ng pera.

               Nagplano silang tumakas, kahit na ipinaalam ni Ligaya ang kanyang takot na mahuli ng kinakasama dahil baka siya'y patayin. Pagsapit ng gabi, nadatnan na lamang ni Julio si Ligaya na walang nang buhay. Sa labis na galit ni Julio, at sa kagustuhan ipaghiganti si Ligaya, ay nagawang patayin ni Julio ang Instik. Marami ang nakasaksi sa nangyari, at nakuyog nang husto si Julio, hanggang sa mawalan ito ng hininga.

-----------

Iba pang buod ng kuwento:

brainly.ph/question/439993

Uri, Genre at Teorya ng Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag:

brainly.ph/question/1028255

brainly.ph/question/1890680

brainly.ph/question/1846838

Explanation:

Sana makatulong

Answer:

Ano nga ba ang maikling kwento? Ito ay isang uri ng masining na panitikan na tinatayang hindi lalagpas sa pitong libo at limang daang salita. Ito ay may banghay, tauhan paksa at tagpuan.