B. Panuto: Basahin ang pangungusap. Isulat ang PU kung ang salitang may salungguhit ay pang- uri at PA kung ito ay pang-abay. 1. Mahusay umawit si Lea Salonga kaya't hinahangaan siya sa iba't-ibang panig ng mundo. 2. Matitingkad ang mga kulay ng mga bulaklak. 3. Si Liza Macuja ay magaling sumayaw kaya tinanghal siyang prima ballerina. 4. Si Lydia De Vega ay mabilis tumakbo kaya't nagtamo siya ng maraming karangalan sa larangang ito. 5. Kapuri-puri ang pagtupad mo sa iyong mga pananagutan.