Sagot :
Answer:
Paraan kung paano maipapakita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pang-araw-araw na kilos ng isang mag-aaral
pagiging mapanuri at matalino sa paglikha ng mga pasya at desisyon at palaging pagbabataya ay ang magiging resulta at nunga nito.
pagsasabuhay at pagsunod sa batas at utos ng Panginoon
pagpapasiya ng naayon hindi lamang para sa sarili gayundin ang para sa ikabubuti ng lahat
palagiang paggawa ng tama at mabuti sa kapwa
pagpapaunlad ng sarili, sa mga kahinaan at kalakasan
pagiging tapat sa lahat ng oras at pagsasabi ng totoo
pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
paglilingkod sa Diyos ng bukal sa loob habang isinasabuhay ang kanyang mga turo upang maging isang mabuting tao
Gamit ng Isip
Ang ating isip ang may kontrol sa ating buong katawan, ito ang may kakayahang magisip, magpasiya at magdesisyon para sa ating buhay kaugnay ng kilos loob, ang isip anggumagabay sa isang tao upang gumawa at kumilos ang isang tao tungo sa kabutihan.
Ang ating isip ang kumokontrol sa lahat, sa lahat ng ating pagpapasiya at pagdedesisyon, ito ang gumagabay sa atin para magisip ng mga bagay kung ito ay tama at mali. Ito rin ang ating ginagamit upang malawak nating maintindihan at malaman ang ating mga nagawang pasya at desisyon sa buhay. Mahalagang ang palaging pairalin at sundin ay ang ating isip dahil ito ang gagabay sa atin sa mga tamang desisyong makakapagpasaya sa atin at makapagpapa-intindi sa atin na tama ang ating mga ginagawa at gagawin tungo sa paggawa ng kabutihan para sa ating kapwa.
Gamit ng Kilos-loob
Ang kilos loob ay tumutukoy sa kakayahan sa paggawa ng isang bagay o gawain na naayon at nais ng ating kaisipan. Ito ang nagpapasya o nagdedesisyon na gawin anuman ang ating naisin.
Ang ating kilos loob ang may kakayahan at kapangyarihang pumili ng may laya sa kanyang mga kagustuhan ng walang sinumang naguutos o nagsasabi dito.
Ang kilos loob ang gumagabay sa atin para magisip ng mga bagay at gawain kung ito ay tama at mali.
Ang kilos loob ang ating ginagamit upang malawak nating maintindihan at malaman ang ating mga nagawang pasya at desisyon sa buhay.
Ang kilos loob din ang gagabay sa atin sa mga tamang desisyong makakapagpasaya sa atin at makapagpapa-intindi sa atin na tama ang ating mga ginagawa at gagawin.