Sagot :
Ang tinig ng bawat indibidwal ay mahalaga kaya ako si (Your Name) ay magsasalita na ukol sa isyu na Edukasyon sa Panahon ng Pandemya. Maraming magulang at mag-aaral ang tutol sa pagpapatuloy ng klase sa kabila ng unos na kinahaharap ng bansa. Ngunit bakit ipinilit pa rin ng DepEd at CHED na ito'y ituloy? Mayroon kaya silang lihim na rason ukol dito o sadyang nais lamang nilang patuloy na kumita kahit ang isasakripisyo nila ay ang magiging kaalaman ng mga estudyante? Pagpapasa lamang yata ng mga gawain sa paaralan ang aming natutuhan iniisip namin na kami ay makapasa kahit kami'y walang natutuhan sapagkat kaugnay nang pag-apruba sa pagpapatuloy ng klase ay ang kondisyon na walang maaring magbagsak na guro! Dapat lahat ay makapasa! Tama ba ang adhikain na iyon? Kung ganoon ang sistema ay hindi na pagbubutihin ng mga mag-aaral at iisipin na lamang nila na, "Papasa naman ako kahit hindi ko pagbutihan ang pagkakagawa ko sa aktibidad na ito, basta may magawa na lamang."
Ang akin lamang naman ay tutol ako sa pagpapatuloy ng klase kahit na may pandemya sapagkat malaking hamon ito para sa mga bata at sa kanilang magulang dahil imbis na ang iintindihin na lamang ng kanilang magulang ay ang kanilang trabaho ay dagdag pasakit pa ang pagtuturo ng aralin sa kanilang anak. Alam ko na hindi lamang ang mga mag-aaral at magulang ang nahihirapan kundi pati na rin ang mga guro dahil alam kong pare-pareho lamang silang sumusunod sa utos ng nakakatataas. Hindi ako galit sa kahit sino man kundi ipinapahayag ko lamang ang aking saloobin. Wala akong balak na husgahan ang desisyon ng Pangulo kahit nagawa ko na pero alam ko na kabutihan lamang natin ang kanyang iniisip sapagkat kung hindi man ipinagpatuloy ang klase ngayong taon, kailan pa ito itutuloy? Walang kasiguraduhan kung kailan maglalaho ang hamon ng COVID-19 sa Pilipinas kaya dapat ay magpasalamat na lamang tayo dahil hindi tayo pinapabayaan ng ating Mahal na Pangulo at ang Diyos na laging nakikinig sa ating mga dasal. Salamat po.