1. Salungguhitan ang pandiwa na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Naglalaro ang mga bata ng patintero. 2 Magtuturo ako balang araw. 3. Ang mga mag-aaral ay pumasok nang maaga. 4. Ang uhaw na atleta ay uminom ng malamig na tubig. 5. Pupunta kami ni Clark sa ilog bukas. 6. Ang programa ni mayor ay ikinatuwa ng mga residente. 7. Nahulog ang hinog na bayabas mula sa puno. 8. Sasakay kami ng eroplano sa susunod na buwan. 9. Inihagis ni Luis ang bola sa akin. 10. Ako ang nagtanim ng mga halamang iyon.