Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Hanapin sa loob ng kahon kung anong uri ng paghahambing ang ginamit sa salitang nasalungguhitan Isulat ang iyong sagot sa nakalaang patlang. pasahol magkatulad palamang 1. Higit na sariwa ang hangin sa lalawigan kaysa sa lungsod. 2. Kapwa mapagmahal sa kultura ang mga taga-Mindanao at taga-Visayas. 3. Magkasimpino ang buhangin sa beach ng Boracay at Guimaras. 4.Di-hamak na maganda ang may busilak na kalooban kaysa maladiyosang kagandahan. 5.Higit na nakakatakot ang Covid 19 na pandemic kaysa sa tuberculosis. 6. Di-totoong nakukuha ang Covid 19 sa hangin kundi sa tilamsik ng laway ng taong positibo sa sakit kaya delikado ito kaysa anumang sakit 7.Mas mahirap ang buhay ngayon kaysa noon kasi noon mas mura ang mga bilihin. 8 Ang telebisyon at internet ay parehong masama kapag nasobrahan. 9. Simula nang ipinatupad ang lockdown noong March 16, 2020 dahit sa Covid 19 pandemic, mapapansing di gaanong mapagpasensiya ang mga tao ngayon kaysa dati. 10.Ang taimtim na panalangin ay higit na mabisang sandala sa lahat ng pagsubok sa buhay kaysa ayuda na inaasahan sa gobyerno.