Panuto: Mag gunita ng isang pangyayari sa buhay (kung wala man isipin nalang kung sakaling mayroon) kung saan naranasan mo ang isa sa mga salik na nabanggit sa teksto, maaaring ito ay na ba batay sa kamangmangan, gawi ,karahasan ,takot , o masidhing damdamin, May mga tao ka bang nasaktan (maaring dahil sa kapabayaan mo o dahil sa pansariling kabutihan lang ang iniisip mo). Isulat ang sitwasyong ito sa unang kolum at ang kapuwang nasaktan sa ikalawang kolum. Magtala sa ikatlong kolum ng mga hakbang upang ayusin ang mga pagkakataong may nasirang tiwala, samahan, o ugnayan sa pagitan mo at ng iyong magulang ,kapatid ,kaibigan, kaklase, o kapitbahay.