Ang Isabela ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan. Ilagan ang kapital nito at napapaligiran ng Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, at Cagayan. Isang lalawigang agrikultural ang Isabela at ang ikalawang pinakamalaki sa Pilipinas, at ang pinakamalaki sa pulo ng Luzon.