Answer:
ang malikhaing pagsusulat ay walang sinusunod na porma. Ibig sabihin, hindi niya kailangang sumang-ayon sa ano mang limitasyon. Samantala, ang akademikong pagsusulat naman ay merong sinusunod na pormat, bukod pa rito, ang akademikong pagsusulat ay kadalasang ginagamit sa mga tesis. Ito rin ay nagtatangkol sa isang argumento. Meron itong tinatawag na Abstrak, at Introduksiyon.Samantala, ang malikhaing pagsusulat naman ay puwede ring magtangkol ng isang argumento. Pero, magagawa ito sa isang moderno at di-pormal na paraan. Ang iyong opinyon ay maari mo ring ilagay sa malikhaing pagsusulat.
Explanation: