ano ang kahulugan ng bukbukin​

Sagot :

Bukbukin

Ang salitang bukbukin ay maaaring maging pandiwa o pang uri. Bilang pandiwa, ito ay nangangahulugan ng mabulok o mapuno ng bukbok o ng insektong naninirahan sa palay, harina, at iba pang haspe. Kung ito naman ay bibigyang kahulugan bilang pang - uri, depende sa kung ano ang inilalarawan, ito ay maaaring mangahulugan ng butas - butas, magaspang, o punong puno ng insekto. Kung ang inilalarawan ay ang mukha ng tao, maaaring gamiting pakahulugan ang magaspang o butas butas.

Halimbawa:

Bilang Pang - uri:

Walang gustong bumili ng bukbukin na bigas sapagkat natatakot ang mga tao na masira ang kanilang mga tiyan.

Nagalit ang pangulong Duterte ng malaman na maraming bukbukin na bigas ang hindi naipamahagi sa tao noong panahon ng pananalanta ng bagyong Yolanda.

Laging pinagtatawanan si Jose dahil sa bukbukin niyang mukha kaya naman madalas ay hindi na lamang siya lumalabas ng bahay.

Paano ba naman na hindi magiging bukbukin ang mukha ni Eden, panay kasi ang tiris sa kanyang mga tigyawat.

Bilang Pandiwa:

Napakasama ng ugali ng matandang mayaman kaya naman ipinanalangin nilang bukbukin ang kanyang mga kayamanan.

Walang sinuman sa kanila ang nais na bukbukin ang kanyang mga gamit kaya naman ang iniingatan nilang mabasa noong panahon ng bagyong Yolanda.  

pa brainliest po thx