Sagot :
Answer:
paleolintiko -Sa panahong ito, pagala-gala ang mga tao sa paghahanap ng pagkain. Wala rin silang permanenteng tirahan. Sa yungib sila kadalasang nakatira upang ligtas. Pangingisda at pangangaso ang ikinabubuhay ng mga tao. Ginagamit rin nila ang tapyas ng bato bilang sandata
mesolintiko- Nagsimula ang mga taong mag alaga ng mga hayop
Nagsimula silang manirahan ng sama-sama at bumubuo ng maliliit na pangkat at ang gamit nila ay mga matutulis na mga baato
Mga Uri ng Pamumuhay:
Sa panahong neolitiko:
Natutong gumamit ang mga tao ng makinarya upang paunlarin ang sektor ng agrikultura.
Natuto na rin silang pakinabangan ang mga hayop na halos kasabay na nilang mamuhay.
Mas naging magaling sila sa paggawa ng mga kasangkapang gawa sa bato at maging ang kanilang mga tirahan ay naging mas malaki at mas matibay.
Sapagkat natutunan nila ang paggamit ng apoy, mas nagkaroon sila ng pagkakataon na gamitin ito sa pagluluto ng kanilang mga makakain at mga produktong maaari nilang ipagpalit sa iba.
Maraming halamang ligaw ang natutunan nilang kainin at madalas ay ginagalugad nila ang kagubatan, kapatagan at minsan ang mga matutubig na lugar.
Sapagkat ang mga kalalakihan ang nangangaso kaya ipinapalagay ng ilang eksperto na mga babae ang mga unang naging magsasaka.
Natuto na rin ang mga taong tumira at manahanan sa isang pamayanan. Hinihinuha na dito na rin nabuo ang konsepto ng pamilya at tahanan.
Nagiimbak na rin sila ng mga pagkain, gumagawa ng mga palayok upang lagayan ng mga tubig at imbakan ng mga binhing itatanim sa susunod na taniman at imbakan na rin ng kanilang mga pagkain.
Sa panahong ito rin nagsimula ang konsepto ng pagmamay-ari ng mga ari-arian, at dahil dito ay nagsimula na rin ang sistemang antas panlipunan.
Explanation: