I. Panuto: Suriin kung WASTO O MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat
sa patlang ang iyong sagot.
1. Lahat ng misyong pinadala ng Pilipinas sa Estados Unidos ay nabigo.
2. Ang Misyong OSROX ay pinamunuan nina Sergio Osmeña, Sr. at Manuel Roxas.
3. Tinanggap agad ni Manuel L. Quezon ang panukala nina Sergio Osmeña at Manuel
Roxas tungkol sa Batas Hare-Hawes-Cutting (Batas HHC).
4. Naging magkaiba ang pagtanggap nina Quezon at OSROX tungkol sa Batas Hare-
Hawes-Cutting.
5.Ang Batas Jones 1916 ay nagtadhana ng kalayaan para sa Pilipinas, subalit hindi nito tiniyak ang takdang taon ng pagbibigay kalayaan. ​