Gumawa ng tula tungkol sa "Ang piring ng batas"​

Sagot :

(ACCORDING TO THE BOOK)

ANG PIRING NG BATAS

Hindi ko pa rin matiyak

Sinasabi nilang may piring ang batas

Ang nasa larawan ay magandang dilag

May takip ang mata't timbangan ang hawak.

Ilang beses na bang ating narating?

Marami naapi't laging ginigipit

Katarungan lagi ang iginigipit

Karamhian dito'y yaong maliliit.

Sadya bang malayo para sa mahihirap

Ang maging kapantay sa nakaaangat

Kung pag-uusapa'y ang tungkol sa batas

Mayroon bang paraan upang maging patas?

Huwag na tayong magpatunpik-tumpik

Nagaganap ito iwasang pumikit

Huwag mo nang sabihing ito'y kathang-isip

Tanggapin na natin kahit pa masakit.

Kapagka mayaman ang s'yang nagkasala

At kayang bumayad ng de-campanilla

Asahan mong kung 'di man s'ya makalaya

Kaunti lang ang pataw, tipid ang parusa.

Di kaya ay may mga rebelde

May nasa kanan at may kaliwete

Gustong maihayag ang bawat mensahe

Katarungan ang s'yang parati?

May takip ang mata, hawak ay timbangan

Ano ba talagang nais ilarawan?

Nang di ba makita ang api't mayaman

O s'ya'y nahihiya't ang hatol ay sablay?

Magkaganoon pa ma'y dapat di mawala

Ang ating pag-asa't ang paniniwala

Hindi naman lahat sumasalaula

May piring na batas ang dinadakila.

PARA SA KARAGDAGNG KAALAMAN:

Ano ang piring ng batas:

https://brainly.ph/question/1398387

#LetsStudy

View image Enknownymous