II. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pahayag ay tumutukoy sa sistema ng edukasyon, kalusugan, komunikasyon at transportasyong ipinatupad ng mga Amerikano at ang resulta nito at ekis (X) kung hindi. 11. Relihiyon ang naging pokus ng mga Amerikano. 12. Ang mga Pilipino ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral. 13. Itinatag ng mga Amerikano ang mataas at espesyal na paaralan. 14. Marami ang hindi nakapag-aral dahil mahal ang edukasyon sa panahon ng mga Amerikano. 15. Ang mga Thomasites ang naging unang guro nga mga Pilipino sa panahon ng mga Amerikano. 16. Ang China Clipper ay eroplano ng Pan-American Airways na dumating sa Maynila buhat sa California noong 1935. 17. Ang Philippine General Hospital o PGH ay ipinatayo ng mga Amerikano noong 1910. 18. Ang Kawanihan ng Koreo ay itinatag upang mapabilis ang paghahatid ng mga sulat, telegrama, airmall at money order. 19. Ang telepono ay isang uri ng komunikasyon. 20. Ang kolera at bulutong ang mga sakit na lumaganap sa panahon ng Amerikano.