Bilugan ang pang-abay sa pangungusap. Isulat sa linya kung ito ay pamaraan, pamanahon, panlunan. 1. Masigasig na ipinagpatuloy sa isla ng mga Ivatan ang kanilang nakagisnang kaugalian. 2. Matapat na nakikitungo ang mga naninirahan sa Batanes sa kanilang kapwa 3. Payapang namumuhay ang mga mamamayan dito. 4. Nagsisimba ang karamihan sa kanila tuwing Linggo. 5. Sa mga burol nagtutungo ang mga turista upang mamasyal.