TEKSTO: Ayon sa UNESCO, sa buong mundo, 60% na may 110 milyong bata mula sa mga papaunlad na bansa na hindi nakapag-aral ay mga batang babae. Katunayan, 30%/ lang ng mga batang babae ang nakapag-aral sa sekundarya, at sa maraming bansa, ni wala pang isang katlo ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang babae. Sa nahihirap na bansa sa mundo, ang mga anak na lalaki ang prayoridad na papag-aralin samantalang ang mga anak na babae ay hindi na makapag-aral sa pqniniwalang mag-aasawa naman sila at ang kani-kanilang asawa na ang bubuhay sa kanila. Itinuturo na lang sa kanila ang mga gawaing "pambabae" tulad ng pag-aalaga ng anak, pagluluto, paglalaba, paglilinis at paggawa ng iba panggawaing pantahanang isasagawa nang walang karapatang pasahod.
Panuto: Kaugnayan sa binasang teksto, ibigay ang inyong hinuha batay sa sitwasyon. Gamitin ang alin man sa mga salitang ginagamit sa pagbibigay hinuha gaya ng: marahil, tila, baka, siguro, sa tingin ko, sa palagay ko (5 puntos)
16-20. Bakit mas madalas na nabibiktima ng dikriminasyon ang kababaihan.