Sagot :
Answer:
Pandama
Kalagayan ng Damdamin
Sikikong
Explanation:
Ayon kay Scheler, ito ang APAT NA URI NG DAMDAMIN:
1. Pandama (sensory feelings) - Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o paghihirap sa tao.
Halimbawa :
pagkagutom
pagkauhaw
kalasingan
halimuyak
panlasa
kiliti
kasiyahan
sakit
2. Kalagayan ng damdamin (feelings state) - Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao.
Halimbawa:
kasiglahan
katamlayan
may gana
walang gana
3. Sikikong damdamin (psychical feelings) - Ito ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid na naiimpluwensyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang damdamin.
Halimbawa:
sobrang tuwa
kaligayahan
kalungkutan
kasiyahan
pagdamay
mapagmahal
poot
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings) - Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang mga ispiritwal na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya
Narito ang talaan ng pangunahing emosyon na hango sa aklat ni Esther Esteban na Education in Values: What, Why and For Whom: (1990, ph. 51).
MGA PANGUNAHING EMOSYON
Pagmamahal (love)
Paghahangad (desire)
Pagkatuwa (joy)
Pag-asa (hope)
Pagiging matatag (courage)
Pagkamuhi (hatred)
Pag-iwas (aversion)
Pagdadalamhati (sorrow)
Kawalan ng pag-asa (despair)
Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)