Gawain 2 Panuto: Sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Paano nakatulong sa bansa ang Rehabilitation Act? a. Tumulong sa pagpapautang para sa binhi. b. Nagpasuko sa mga Huk. c. Binigyan ng puhunan ang mga negosyante. d Pagpapatayo ng mga istrakturang nasira sa digmaan. 2. Bakit patuloy na nakipagkaibigan si Pangulong Roxas sa Amerika? a. Palakaibigan lang talaga siya. b. Ayon sa kanya nakasalalay sa Amerika ang katatagan ng bansa. C. May utang na loob siya sa bansang Amerika. d. Upang makautang siya para pangnegosyo. 3. Bakit hindi makatarungan ang Bell Trade Act sa mga Pilipino? a. Malaki ang pasok ng dolyar sa bansa b. Maliit lang ang produktong galing sa Amerika C. Mas malaki ang dolyar na lumabas sa Pilipinas kaysa kinita nito d. Kumita nang malaki ang ating gobyerno 4. Ano ang naging kahinatnan ng pagiging magkaibigan ng bansang Pilipinas at Amerika? a. Malayang makalabas pasok ang mga Pilipino sa Amerika. b. Malabong mag-away ang dalawang bansa. c. Walang digmaang mangyayari. d. Nagkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa sa base militar 5. Ano ang kasunduang nabuo sa pagkakaroon ng base militar ng mga Amerikano sa bansa? a. Maari na silang makipagbakbakan sa Hapones. b. Hindi manghimasok ang Amerikano sa kaguluhan sa Pilipinas. c. Ipagtanggol at magtulungan ang dalawang bansa laban sa terorista. d. Maging matalik na magkaibigan ang dalawang bansa.