bakit nasabi ni Eulalio R. Guieb III na ang unang tagpuan ay ang filipino?​

Sagot :

Answer:

Sinabi ni Eulalio R. Guieb lll na ang pagdiriwang ay “buwan ng pinapaslang na wikang pambansa. Simula sa taong ito, ‘Sulong’ ang magiging pangalan ng pangkahalatang pagdiriwang ng ‘Buwan ng Wika’ sa pamumuno ng SWF ng UPD. Hinihingi ng panahon na tumugon tayo sa mga hamong kinakaharap ng wikang Filipino, panitikan, kasaysayan, mamamayan at Bayan.”

Dagdag pa niya, hindi masamang pag-aralan ang mga asignatura tungkol sa gender and development o GAD at new media ngunit pinagbabangga umano ng ganitong hakbang ang dapat ay hindi magkabanggang interes.

Sa katunayan aniya, “Ang mga karapatang may kinalaman sa kasarian, sekswalidad at malayang pamamahayag ay lubos lamang mauunawaan at maipagtatanggol gamit ang sariling wika na ginagamit ng malawak na hanay ng mamamayan.”

Aniya ay dapat umanong mabatid ng mga Filipino kabilang ang mga nagpapatakbo ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na “Ang wikang Filipino sa pangunahin ay wikang tagapagbigkis ng pilit na hinahating Bayan. Ang wikang Filipino, higit kailanman, ay kinakailangang pakilusin ang mamamayan laban sa paniniil patungo sa tunay na kalayaan.”

Explanation:

sana po makatulong