Panuto: Basahin mo ang bawat pangungusap na naglalarawan sa iba't ibang paraan ng pagtugon ng mga
Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Pumili ka ng naaangkop na tugon sa mga salita o
parirala na nasa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Pag-aalsa
B. Pagiging taksil o Mersenaryo
C. Nanahimik at sunod-sunuran
D. Tumakas at namundok E. Idinaan sa lakas ng panulat
F. Yumakap sa kolonyalismo
1. Ang mga Pilipino ay karaniwang matiisin at walang kibo sa mga nararanasang paghihirap sa
pamahalaang kolonyal.
2. Hindi lahat ng mga Pilipino ay nagsawalang kibo sa mga patakarang ipinatupad ng mga
Espanyol. Mayroong mga Pilipino na mas pinili nilang takasan ito.
3. Mga Pilipinong nagbulag-bulagan sa nagaganap sa bansa. Ang mahalaga sa kanila ay
maproteksyonan ang kanilang kabuhayan at mahal sa buhay.
4. Mga Pilipinong mas pinili ang pansariling kapakanan kahit na ang katumbas nito ay kasawian ng
kapwa Pilipino.
5. May mga matatapang na Pilipino na idinaan sa dahas ang naising pagbabago sa ilalim ng
pamamahala ng mga dayuhan.
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T kung ang isinasaad ay paraan ng pagtugon ng mga katutubo sa
kolonyalismo at titik M kung hindi nagsasaad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Dumanas ng diskriminasyon ang mga Pilipino na nagnais na pasukin ang pagpapari. May nagplano
ng mga lihim na pagtitipon upang isagawa ang pag-aalsa.
2. May mga katutubong mangangalakal na inagawan ng kabuhayan sa buhay. Hindi nila inalintana ang
yaman at kaligtasan sa kamay ng mga dayuhan. Ipinaglaban nila sa pamamagitan ng pag-aalsa ang
kanilang karapatan.
3. Binabantayan ng mga sundalong Espanyol ang mga katutubong manggagawa.
4. Dumanas nang matinding kalupitan ang mga katutubo sa ilalim ng pamahalaang kolonyal pero
nanatili pa rin silang sunodsunuran at sinarili na lang ang paghihinagpis na kanilang nararamdaman.
5. Hindi idinaan sa dahas ni Jose Rizal ang ninanais na pagbabago sa ilalim ng pamahalaang
kolonyal.
6. Nagpatupad ng mga patakaran ang pamahalaang kolonyal para sa mga katutubo.
7. Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay akda ni Jose Rizal na naglalayong punahin
ang mga maling pamamalakad ng mga dayuhan sa Pilipinas.
8. Ang mga namumunong Espanyol sa pamahalaan ay naging palalo at mapagmataas sa kanilang
posisyon.​