Sagot :
Answer:
Kabanata 8: Mga Alaala (Buod)
Ang kabanatang ito ay tungkol sa mga aalala ni Crisostomo Ibarra sa Maynila. Lulan ng kalesa ay naalala ng binata ang masayang lugar ng Maynila. Kabilang na ang mga karwahe at karumata na halos walang patid sa pagragasa sa daan. Naalala rin niya ang kasuotan ng iba’t – ibang taong kaniyang nakahalubilo kabilang na ang mga Europeo, Intsik, at mga kapwa niya Pilipino. Naalala din niya ang mga babaeng naglalako ng pagkain, mga lalaking kargador, at mga kainan. Maging ang mga bilanggong kanyang namataan noon ay kanyang naalala. Sa kanyang pagmamasid sa lugar ay napuna niyang tila walang pinagbago ang puno ng talisay sa San Gabriel. Maging ang Escolta sa kanyang palagay ay lalong pumangit. Napansin niya ang mga magagarang karwahe na lulan ang mga kawaning inaantok pa habang patungo sa kanilang mga tanggapan at pabrika, mga Intsik at kurang walang imik. Sa mga kurang naroon ay nabaling ang kanyang pansin kay Padre Damaso na nakakunot ang noo. Nakita rin niya ang karwaheng sinasakyan ng pamilya ni Kapitan Tinong.
Nang mapadaan siya sa Arroceros na ngayon ay mas kilala na sa tawag na C.M. Recto ay napansin niya ang bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako. Samantala, sa kanyang pagdaan sa Hardin Botaniko ay biglang napawi ang kanyang mga magagandang alaala. Naisip niya na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Ibinaling niya ang tingin sa malayo at nakita niya ang matandang Maynila na naliligid ng makakapal na dumi at nilumot na ang mga pader. Sa kanyang pagkakatitig sa Bagumbayayn ay naalala niya ang bilin ng kanyang naging gurong prayle bago siya tumulak sa ibang bansa. “Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya’t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila”.
Explanation:
Aral – Kabanata 8
Huwag gawing hadlang ang nakikita at nararanasang kahirapan upang makamit ang pangarap na gustong maibigay sa Inang bayan. Bagkus, dapat natin itong gamiting inspirasyon.
HOPE THIS HELPS :)