Para sayo,bakit mahalaga ang musika?

Sagot :

MUSIKA

  • Ang musika ay isang uri ng sining at tinuturing din na isang kultural na gawain o aktibidad. Ang sining na ito ay ginagamitan ng tunog.

  • Ang musika ay isang sangay ng Humanidades na pinagsama-sama ang tunog ng iba’t ibang tono upang  makalikha ng isang katha na musika, na nagpapahayag ng damdamin at kaisipan.

KAHALAGAHAN NG MUSIKA

  1. Dahil sa musika, nakakapahayag ang isang tao ng kanyang damdamin at kaisipan nang hindi nahihirapan sa pagpapahayag.
  2. Dahil din sa musika, gumaganda ang pakiramdam ng isang tao. Ayon sa pag-aaral, ang tao ay gumagaling sa anumang karamdaman na nararamdaman sa tulong ng nakakamanghang pag-iisip na dulot ng pakikinig sa musika o awit.
  3. Ang musika ay nakakatulong din sa maayos at malusog na pagtubo ng  mga halaman, gulay, bulaklak at prutas.
  4. Ang musika ay nagsisilbing libangan sa tuwing may bakanteng oras.
  5. Ang musika ay nakakatulong din sa paglutas ng suliranin. Ang mga negatibong pag-iisip ay nagiging positibo.

Maaaring buksan ang mga sumusunod na links para sa karagdagang impormasyon:

Ano ang musika?

https://brainly.ph/question/131396

Elemento ng musika

https://brainly.ph/question/249037

Ano ang ritmo sa musika?

https://brainly.ph/question/295044

#LetsStudy