Saan galing ang salitang "heograpiya"? :)

Sagot :

Heograpiya

Heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na "geographia". Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan sa daigdig. Isang siyentipikong pag - aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Mahalagang salik ng pagbuo at pag - unlad ng kabihasnan. May kinalaman sa kultura at kabuhayan ng isang bansa. May malaking epekto sa kilos at gawi ng tao.

Mga Salik ng Heograpiya:

  1. kapaligirang pisikal
  2. iba't - ibang anyong lupa at anyong tubig
  3. klima
  4. likas na yaman

Ang kapaligirang pisikal ay tumutukoy sa kinaroroonan, hugis, sukat, anyo at vegetation cover ng isang lugar.

Ang iba't - ibang anyong lupa ay maaaring bundok, bulkan. kapatagan, talampas, burol, at tangway. Samantalang ang iba't - ibang anyong tubig naman ay karagatan, ilog, bukal, lawa, look, gulpo, at talon.

Ang klima ay maaaring tag - ulan, tag - init, tag - sibol, at tag - lagas.

Ang mga likas na yaman ay maaaring yamang - lupa, yamang - tubig, mineral, at deposito ng langis.

Ano ang heograpiya: https://brainly.ph/question/4924634

#LearnWithBrainly