ano ang kahulugan ng lugar


Sagot :

Ang kahulugan ng lugar ay tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa pook. Ang Lugar ay nagsasaalang-alang sa pisikal at kultural na katangian ng isang lugar na kaiba sa iba pang lugar sa daigdig. Tumutukoy din ito sa katangiang kinaroroonan tulad ng klima , anyong lupa ,anyong tubig at likas na yaman. Maaarin ding ang lugar ay tumtukoy sa katangian ng mga taong naninirahan sa kanilang wika, relihiyon, at densidad o dami ng tao, kultura at mga sistemang pulitikal.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito:  https://brainly.ph/question/125777

Dalawang Aspekto ng Lugar

  1. Ang pisikal na Katangian - tumutukoy sa likas na kapaligiran ng isang lugar tulad ng kalupaan, katubigan, vegatation, klima, at likas na yaman.
  2. Ang katangiang Pantao  - May kinalaman sa idea, gawi at kultura ng tao, tulad ng kabuhayan.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/128476

Ang lugar ay bahagi ng Tema sa pag - aaral ng Heograpiya. Ang sumusunod ay ang iba pang Tema sa pag -aaral ng Heograpiya:

  • Lokasyon
  • Paggalaw
  • Interaksyon ng Tao at Kapaligiran
  • Rehiyon

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/59176