Saktong buhay: Sa de-kalidad ng edukasyon pinanday
Kung babasahin natin ang t-emang ito, hindi natin siya kaagad maiintindihan dahil sa mga m-alalalim na salita na b_umubuo dito. Pero kung titingnan at iintindihin mo ng mabuti, madali mo lang maintindihan kung ano ba ang ibig iparating ng t-emang ito. Edukasyon. Iyan ang isa sa mga importanteng bagay na magdadala sa atin sa tagumpay. Kung madami kang pangarap sa buhay mo, s-eryosohin mo iyan. Isa yang napakala_king biyayang ipinagkaloob sa'yo. H-uwag na h-uwag mo yang sasayangin dahil diyan nakasalalay ang mga pangarap mo. Diyan na-kasalalay ang kinabukasan mo; diyan nakasalalay ang magiging takbo ng buhay mo. Diyan nakasalalay ang lahat, pati na rin ang mga taong sumusuporta at umaasa sa'yo. Diyan nakasalalay ang magiging "love life" mo (ERR XD LOL) at kung pagsasama-samahin natin ang lahat, diyan nakasalalay ang magiging buhay mo. Sa susunod hindi ka na lang aasa-asa sa mga magulang mo dahil may sarili ka nang buhay. Kailangan mong matutong mabuhay nang mag-isa, nang walang tumutulong sa'yo. Kaya andiyan ang edukasyon. Iyan ang programang kailangang tupadin ng mga kabataan. Kaya andito ang programang ito dahil gusto niyang palawakin at bigyan ng kaalaman ang utak natin dahil kung wala kang kaalam-alam, sira ang buhay mo.