Ang salitang talasalitaan ay nangangahulugan sa Ingles na Vocabulary. Ito ay maaaring tumukoy sa salita, mga lupon ng mga salita, ideya, ekspresyon ng isang lenggwahe, wika o antas nito, at dayalekto. Ito ay makakamit sa pamamagitan ng matamang pag-aaral, masusing pagbabasa, matiyagang panunuod, pati na rin ang palagiang pakikipag usap sa mga tao.