2. Ano ang ikinatakot ng ama dahil sa kagandahan ng kanyang pitong dalagang anak? a. Baka mag-asawa ang kanyang mga anak b. Baka mapalayo sila sa kanya kapag nag-asawa na sila c. Baka saktan lamang sila ng kanilang mapapangasawa d. Baka makalimutan at mapabayaan na siya ng kanyang mga anak 3. Paano nagkasala ang pitong dalaga sa kanilang ama? a. Hindi nila tinutulungan ang ama sa pangingisda. b. Sumama sila sa pitong estranghero nang walang paalam. c. Hindi nila pinansin ang ama noong tinatawag sila nito sa laot. d. Iniwan nila nang mag-isa ang amang may iniindang sakit sa katawan. 4. Alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawan sa ugali ng pitong dalagang magkakapatid? a. maramot b. makasarili c. suwail d. malakas ang loob 5. Bakit hindi pumayag ang ama nang magpaalam ang pitong dalaga na sumama sa mga binata? a. Hindi pa nila lubos na kilala ang mga binata. b. Wala pa sa hustong gulang ang mga anak para mag-asawa. c. Alam niyang niloloko lamang ng mga binata ang kanyang mga anak. d. Mayayaman ang mga binata, samantalang anak-mahirap lamang ang pitong dalaga 6. Kung isa ka sa pitong magkakapatid, makatuwiran ba ang pagtutol ng inyong ama sa kagustuhan ninyong sumama sa mga binata? a, HINDI, dahil labag ito sa karapatan at kalayaan naming mga anak na magdesisyon para sa aming sarili. b. 00, dahil bilang ama tungkulin niyang pangalagaan at bigyan kaming mga anak ng magandang buhay. c. Oo, dahil isinasaalang-alang lamang niya ang kaligtasan naming mga anak mula sa mga hindi kilalang tao. d. HINDI, dahil hindi sa lahat ng oras hawak ng magulang ang buhay ng kanyang mga anak 7. Kung ikaw naman ang ama, alin sa sumusunod ang pinakaangkop mong ginawa upang hindi na sana humantong sa pagtakas ng iyong mga anak ang hindi ninyo pagkakaintindihan? a. Binigyan ko sana ng pagkakataon na bumisita sa tahanan ang mga binata kung tapat sila sa aking mga anak upang makilala ko rin sila. b. Binigyan ko sana ng pagkakataon ang aking mga anak na sabihin sa akin kung bakit gusto nilang sumama agad-agad sa mga binata. c. Kinausap at ipinaliwanag ko sana sa kanila na mahalagang mag-ingat sa pakikihalubilo sa mga tao. d. Pumayag na lang sana ako sa gusto ng aking mga anak.