Saan ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas ?


Sagot :

Ang eksakto o tiyak na lokasyon ng Pilipinas ay sa pagitan ng 4 digri 23' at 21 digri 25' Hilagang latitud at sa pagitan ng 116 digri at 127 digri Silangang longhitud, ito'y pinapaligiran ng katubigan, ang nasa hilaga ay ang Bashi Channel, sa timog ay ang Dagat Celebes, sa kanluran ay ang Dagat Timog Tsina, at sa silangan ang karagatang Pasipiko. Para matukoy ang kinalalagyan ng isang bansa ito ay ginagamitang ng paraan na lokasyon tiyak, Insular, at Bisyonal.

Ang sukat ng Pilipinas ay may kabuuang 300,000 kilometro kwadrado, At ito ay 300,000,000 ektarya. Ang bahaging dagat nito at may sukat na 438,957 na milya kuwadrado. Binubuo ng Luzon at Mindanao ang 70% ng Pilipinas.

Para sa dagdag kaalaman tungkol sa Lawak at sukat ng Pilipinas bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/1493323

MGA REHIYON SA LUZON

  • NCR- National Capital Region o ang Kalakhang Maynila
  • REHIYON I- Ilocos
  • CAR- Cordillera Administrative Region
  • REHIYON II- Lambak ng Cagaya
  • REHIYON III- Gitnang Luzon
  • REHIYON IV-A- CALABARZON
  • REHIYON IV-B- MIMAROPA
  • REHIYON V- Kabikulan

MGA REHIYON SA VISAYAS

  • REHIYON VI- Kanlurang Visayas
  • REHIYON VII- SIlangang Visayas
  • REHIYON VIII- Gitnang Visayas
  • (di pa opisyal) REHIYON XIII- Rehiyong Pulo ng Negros

MGA REHIYON SA MINDANAO

  • REHIYON IX- Tangway ng Zamboanga
  • REHIYON X- Hilagang Mindanao
  • REHIYON XI-Rehiyon ng Davao
  • REHIYON XII- SOCCSKARGEN
  • REHIYON XIII- Caraga
  • ARMM- Autonomous Region of Muslim Mindanao

Para sa dagdag kaalaman ukol sa mga Rehiyon ng Pilipinas tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/2133031

Uri ng klima sa Pilipinas  

  1. Unang uri ng klima na may madalas at maraming pag9-ulan mula Hunyo hanggang Oktubre at tag-araw sa ibang buwan.
  2. Ikalawang Uri ng Klima na walang matinding tag-ulan at maigsi lang ang tag-init.
  3. Ikatlong Uri ng Klima na walang matatawag na tunay na tag-ulan dahil hindi madalas at hindi rin maramo ang pag-ulan.
  4. Ikaapat na Uri ng Klima na may ulan halos sa buong taon.

Para sa dagdag kaalaman tungkol sa Klima ng Pilipinas bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/585746