Sagot :
Answer:Anekdota – ito ay maikling salaysay na nagtatalakay ng pangyayari sa buhay ng tao.
Nobela – ito ay mahabang panulat na may maraming kabanata at nagtatalakay sa isang kwento at mga sangay nito.
Pabula – ito ay mga maikling kwento na ang mga tauhan ay mga hayop at nagtuturo ng leksyon sa mga mambabasa.
Parabula – ito ay mga maikling kwento na kadalasan ay may pagkakapareha sa mga kwento sa Bibliya.
Alamat – ito ay panulat na nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay kadalasang piksyon.
Maikling Kwento – ito ay ang mga kwentong mapupulutan ng aral.
Dula – ito ay iskrip na ginagamit sa mga pagtatanghal sa entablado at kadalasan ay marami itong yugto.
Sanaysay – ito ay kadalasan naglalaman ng mga personal na paningin ng may-akda sa mga bagay-bagay.
Talambuhay – ito ay nagsasaad tungkol sa buhay ng isang tao, kanyang mga naging karanasan, at iba pang detalye tungkol sa kanya.
Kwenton Bayan – ito ay mga likhang-isip na ang mga tauhan sa kwento ay kumakatawan sa mga uri ng tao.
Balita – ito ay ang komunikasyon na ang layunin ay ihatid sa mga mamamayan ang mga nangyayari sa bansa.
Talumpati – ito ay isang panulat na pagpapahayag ng opinyon o mensahe ng isang tao ukol sa isang bagay o pangyayari. Ito ay ipinapahayag sa ibabaw ng establado.
Explanation: