Answer:
Etika o palaasalan[kailangan ng sanggunian] ang pangkalahatang termino na madalas inilalarawan na "agham ng moralidad". Sa pilosopiya, ang etikal na pag-uugali ay ang "kabutihan". Ito ang isa sa tatlong pangunahing paksa ng pagsasaliksik sa pilosopiya, kasama ang metapisika at lohika.
'Ang layunin ng teoriya ng etika ay ang timbangin kung ano ang mabuti, para sa bawat isa at para sa buong lipunan. Iba-iba ang paninindigan ng mga pilosopo sa kanilang pagbibigay-kahulugan sa kung ano ang kabutihan, sa kung paano tatalakayin ang nagsasalungatang pampersonal na prayoridad laban sa panlahat, sa mga pangsanglahat na prinsipyong pang-etika laban sa "etikang pangsitwasyon" na nagsasabing batay sa sitwasyon ang pagiging mabuti at hindi dahil sa isang pangkalahatang batas, at kung batay sa bunga ng isang kilos ang kabutihan o batay sa uri ng pamamaraan kung paanong narating ang isang resulta.