1. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang __________________
a. isip b. dignidad c. kilos-loob d. konsensiya
2. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan malibansa:
a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng kaniyang pasiya.
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito.
3. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos-loob ay
nakabatay sa dikta ng isip.
b. Malaya ang taong
gamitin ang kaniyang kilos-loob upang pumili ng
partikular na bagay o kilos.
c. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kaniyang pagiging mapanagutan sa paggamit ng kaniyang kalayaan.
d. Lahat ng nabanggit.
4. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?
a. isip b. konsensiya c. batas moral d. dignidad
5. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Magiging malaya ang tao kung ang kaniyang ginawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kaniyang paglabag sa likas na batas moral.
c. Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaring mamili batay lamang sa
kaniyang nais.