Sagot :
Answer:
Ang pagiging matagumpay ng isang negosyo ay nakadepende sa taong humahawak nito. Kahit na sino ay maaaring pumasok sa larangang ito ngunit dapat angkop ang kanyang katangian at kakayahan. Lahat at maaari, ngunit di lahat ay angkop. Isang patunay na ang pagnenegosyo ay hindi para sa lahat. Ano nga ba ang dapat taglayin na katangian ng isang negosyante.
Una sa lahat, ang isang negosyante ay dapat matutong makapagsarili o huwag palaasa. Kailangan ito sa negosyo sapagkat hindi siya makakausad kung patuloy lang siyang umaasa. Kaya niyang kumita ng pera sa pamamagitan ng kanyang kakayahan at ng kaniyang sariling paraan at pagsusumikap. Dapat din niyang ihiwalay ang kanyang personal na buhay sa kanyang negosyo sapagkat makakaapekto lang ito sa paglago o pag-unlad nito.
Ang mundo ng pagnenegosyo ay puno ng mga tagumpay at kabiguan. Bilang negosyante, nais niyang magtagumpay at ang pinakamabisang sandata rito ay ang pagiging matiyaga at puno ng determinasyon. Nagagawa niyang magpatuloy sa gawain sa kabila ng mga hamon na maaari niyang makasalubong sa kaniyang pag-unlad.
At huli, ngunit masasabing pinakaimportante sa lahat ay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Naniniwala siya na kakayahin at magagawa niyang lagpasan ang mga hamon dumaraan. Sa kakaibang mundong ito, walang lugar ang mga mahihina ang loob. Ito ay para lamang sa mga taong malalakas ang loob, kayang sumugal at may tiwala sa sariling kakayahan.
Ang katangian ng isang tao ay napakahalaga sa kahit na ano pa mang pagkakataon. Ito ay kaniyang nagiging haligi para mas mapagtagumpayan ang isang hamon. Ang ugali ng isang tao ay napakahalaga sa pagkamit ng anumang layunin lalo na sa pagnenegosyo.