Answer:
Dahil sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas, natuto ang mga kababayan natin na magsulat at magsalita sa wikang Ingles. Hindi lang umunlad ang edukasyon, pero pati na rin ang totoong kahulugan ng demokrasya. Sa panahon din nito, natutunan ng mga Pilipino ang pagiging kasarinlan , at nilikha ang unang "Civil Government" ng Pilipinas. Napatunayan ng mga kababayan natin noon na may kakayahan silang magtayo ng sarili nilang konseho at gobyerno.
Matatapang ang mga Pilipino nang panahon ng Batas Militar sapagkat gusto nila marinig ang kanilang mga boses na nagdedemanda ng katarungan. Sa pagdeklara ni Ferdinand Marcos ng Martial Law, namulat ang mata ng mga tao sa pagkakawala ng hustiya sa lipunan. Marami ay naging mga aktibista at ginawa ang lahat para makuha ang atensyon ng gobyerno. Nung panahon na iyon, maraming tao ay dinukot at pinahirapan dahil sa kanilang lakas loob na lumaban. Subalit dito, nagpatuloy pa rin ang mga Pilipino. Gusto nilang makamit ang kanilang layunin na magkaroon ng tunay na kalayaan. Ibang klase ang kagitingan ng mga Pinoy ng dekadang ito.