ano-ano ang mga bagong paraan sa pagbuo at pagpapayaman ng wika isina
sagawa ng pananalik

Pa sagot mga lods​


Sagot :

Answer:

Ang pananaliksik (alt. pagsasaliksik) ay ang "sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa."[1] Ito ang proseso ng pangangalap sa mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Ito rin ang "malikhain at sistematikong gawaing ginagawa para mapataas ang kaalaman."[2] Saklaw nito ang pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu. Ang isang proyekto sa pananaliksik ay maaaring isang pagpapalawak sa napag-alaman na. Isinasagawa ang mga ito para mapahusay pa lalo ang pag-intindi sa isang partikular na paksa, o maaaring para sa edukasyon. Hinahanap ng pananaliksik kung de-kalidad ba ang isang instrumento, mainam ba ang isang pamamaraan, tama ba ang eksperimento, o di kaya'y totoo ba ang isang panukala at teorya.

Ang mga táong nasa larangang ito ay tinatawag na mananaliksik.

Ang pinakagamit ng pangunahing pananaliksik (kumpara sa nagagamit na pananaliksik) ay ang dokumentasyon, pagtutuklas, interpretasyon, at ang research and development (R&D) sa mga kaparaanan at sistema para sa ikauunlad ng kaalaman ng sangkatauhan. Dumedepende ang pananaliksik sa kung ano'ng kukuning klase ng kaalaman, mula sa humanidades hanggang sa mga agham. Maraming anyo ang pananaliksik: maagham, humanidades, masining, pang-ekonomiya, panlipunan, pang-negosyo, pang-merkado, panlarangan, pambuhay, panteknolohiya, atbp. Ang maagham na pag-aaral sa mga kaparaanan sa pananaliksik ay tinatawag na meta-pananaliksik.

Explanation:

Sana makatulong sayo kahit

mahaba Sorry po