Answer:
Ang awiting bayan na Dandansoy ay nagmula sa Isla ng Panay na nasa parte ng Kabisayaan. Ang wika na ginamit dito ay Hiligaynon. Ito ay may apat na saknong na binubuo ng tig-aapat na taludtod. Ang bilang ng pantig sa bawat linya ay walo at siyam.
Unang Saknong
Ipinahahayag nito ang pamamalaam ng kasintahan ni Dandansoy sa kanya dahil ang kanyang kasintahan ay uuwi na ng Payaw. Gayunpaman ay nais ng kanyang kasintahan na patunayan ni Dandansoy na wagas ang kanyang pagmamahal at kung mangungulila ay maaari siyang puntahan sa Payaw.
Pangalawang Saknong
Binibigyang babala ng mang aawit si Dandansoy na kung susunod ay wag magdadala ng tubig. At kung mauuhaw ay sa balon na lamang na kanyang madadaanan uminom.
Pangatlong Saknong
Tinatanong kung saan matatagpuan ang kura sa kumbento at kung nasaan ang hustisya sa munisipyo dahil si Dandansoy ay magsasampa ng kaso sa pag ibig.
Huling Saknong
Sinasaad ng mang aawit kay Dandansoy na bitbitin ang kaniyang panyo upang ikumpara sa kanyang sariling panyo. Kung ang mga ito ay magtugma, ang ibig sabinin ay bana nitó si Dandansoy.