Basahin ang pag-uulat sa ibaba. Gumawa ng patalastas at islogan
Taunang Patimpalak sa Pag-sayaw sa Plaza Nagkakaroon ng taunang patimpalak sa pag-sayaw sa plaza tuwing fiesta. Ginaganap ito tuwing huling gabi ng fiesta sa ganap na ika-6 ng gabi. Maraming mga mananayaw, grupo man, duo, o solo ang nagpapaligsahan upang makamit ang kampyonato at premyong salapi. Si Konsehal Manny Baguio, sa tulong ng kanyang mga kasamahan, ang punong abala sa patimpalak na ito. Sa taong ito, marami muli ang naglakas loob na sumali sa kompetisyon. May mga solo, duo, at hindi mawawala ang mga grupong magpapahanga sa iyo dahil sa iisang paggalaw nila kasabay ng tugtugin. Mas marami ring mga batang kalahok ang sumali sa taong ito. Puno ang plaza ng mga manonood dahil naging parte na ng pagdiriwang ng pista ang paligsahang ito. Di magkamayaw sa palakpakan at sigawan ang mga tao lalo na noong magsimula ang grupong Pirate Dance Crew, na tatlong taon nang sunod- sunod na nagwawagi. Marami ring ibang mga mananayaw ang magagaling kaya’t siguradong mahigpit ang labanan. Sa huli, muling nakamit ng Pirate Dance Crew ang titulo ng kampyon sa pagsayaw sa pista. Kahit hindi nagwagi ay halata naman sa mukha ng ibang mga kalahok ang saya ng pagkakataong makasali sa taunang kompetisyon. Masaya at naghihiyawan pa rin ang mga tao habang pauwi sa kani-kanilang mga tahanan. Muli, natapos na naman nang masaya at mapayapa ang pista. Pa help po