Sagot :
Answer:
Ang south korea ay isang bansa na matatagpuan sa silangang asya na may laki na umaabot sa 100,188.1 km²,
Ang bansa na ito ay sikat sa kanilang mga Tradisyon at mga kultura,pagkain at iba pang mga bagay kaya ngayon ay sasabihin ko sa inyo ang 5 tradisyon at paniniwala nila at 5 lugar na pwede ninyo puntahan sa bansang south korea
5 tradisyon at kultura
Pagyuko ng ulo o bowing- Ito ang isa sa mga una mong makikita pag pumunta ka sa south korea dahil ito ay nagpapakita ng respeto sa mas nakakataas(nakakatanda) o ang mga mas importante sainyo
Pagsulat sa tintang pula-Ang Pagsulat ng pangalan sa tintang pula ay pinaniniwalaan ng mga koreano bilang isang maaring sanhi ng kamatayan,dahil ang pulang tinta ay sumisimbolo sa dugo
Ang paggamit ng dalawang kamay tuwing nagbibigay o pagtanggap ng isang bagay-Ang “Korean culture ay umiikot sa pag respeto o “Respect” at ang isa sa mga ginagawa nila para ipakita iyon ay ang pag gamit ng dalawang kamay sa pagbigay o pagtanggap ng isang bagay.
Ang pag lagay ng chopsticks papatayo sa isang “bowl” ng kanin-Itong action na ito ay nag papahiwatig ng kamatayan dahil tuwing may libing ay nagsusunog sila ng mga “incense” patayo sa isang “bowl” ng buhangin
Confucianism-Sa tradisyon ng Confucianism, ang pamilya ay ang pinakamahalagang parte ng lipunan. Kinakailangang magkaroon ng etikal na pagpapahalaga sa pakikisama sa ibang tao at pagbibigay ng respeto sa mga nakatatanda at sa pamilya.
Kaya kung pupunta kayo sa south korea ay kailangan natin itong sundin dahil kung hindi ay baka matingnan kayo ng masama
Answer:
PANINIWALA SA SOUTH KOREA
Narito ang mga ilang detalye na tungkol sa paniniwala ng mga taga SOUTH KOREA:
• Ang mga tao sa South Korea ay naniniwala kay confucius at sa mga turo nito. Dahnil dito ang south korea ay naniniwala sa tungkulin, karapatan, dangal at sinseridad.
• Naniniwala rin ang mga taga South Korea sa pagsunod sa mga protocol sa pag-kain, pagdarasal, pagdiriwang ay pakikipagkita sa ibang tao.
• Budismo ang pangunahing relihiyon sa South korea. Nagkasunod din dito ang pamumuhay, kultura, sining at templo sa South Korea.
SANA MAKATULONG!!