Pamumuhay Ng pampanga​

Sagot :

Answer:



Ang kabuhayan ng isang lalawigan o bayan ay nakadepende sa kultura at pisikal na anyo na nakapalibot rito. Maaring ang maging hanapbuhay ng isang tao o pangkat ay pagsasaka, pangingisda, pagtitinda, paghahabi, o pag-uukit. Kilala ang mga Kapampangan sa sarap ng kanilang mga lutuin at kilala rin ito sa pagiging masipag at masinop sa trabaho. Kaya tara na at ating tunghayan kung ano nga ba ang hanapbuhay o kabuhayan ng mga Kapampangan.

Kabuhayan sa lalawigan ng Pampanga

 Pagsasaka at pangingisda ang dalawang pangunahing industriya sa lalawigan ng Pampanga. Bigas, mais, tubo, at tilapya ang mga pangunahing produkto ng lalawigan. Karagdagan sa pagsasaka at pangingisda, ang lalawigan ay mayroon din lumalaking industriya sa paglililok, paggawa ng mga kasangkapan, gitara at iba pang bagay na yari sa kamay. Tuwing panahon ng kapaskuhan, ang lalawigan ng Pampanga ay nagiging sentro ng pagawaan ng “parol”.

Tanyag ang lalawigan sa pagluluto. Kilala ang mga Kapampangan sa kanilang husay sa paggawa ng mga bagong uri ng pagkain, mula sa pinakapayak na ulam hanggang sa kakaiba. Sa lalawigan ng Pampanga natin matiktikman ang Sisig, Kare-kare, at Kilawin na siya ring dinadayo ng mga turista at mga Pilipino.

Explanation:

sana nakatulong..

pa brainliest please..

^v^

#Carry on learning