Ano pong sagot dto pa help po thank you❤️

Ano Pong Sagot Dto Pa Help Po Thank You class=

Sagot :

1. Isa sa mga aspeto ng globalisasyon ang paglalakbay na kung saan taglay nito ang mga illegal na gawain tulad ng human trafficking, terorismo at iba pa, ito ay isa na sa mga patunay na may di mabuting globalisasyon

patunay naman ng mabuting globalisasyon ang pagkakaroon ng teknolohiya na kung saan ito ay ginagamit upang magkaroon ng magandang komunikasyon sa mga kamag-anak na nasa malalayong lugar

2. Ano ang globalisasyon?

Ang globalisasyon ay ugnayan ng mga bansa upang magkaroon ng maayos at mabilisang paghahatid ng mga produkto at serbisyo sa mga tao. Ang globalisasyon ay nakakatulong upang mapabilis ang daloy ng komersiyo sa isang bansa. Sa pamamagitan din ng globalisasyon napapatatag, napapalawig ang koneksyon ng mga bansa sa kapwa nito bansa. Ang globalisasyon din ang sumusulong sa international trade sa pamamagitan ng pagbukas ng mga pambansang hangganan.

Ano ang globalisyon? Basahin ang mga sumusunod

brainly.ph/question/1775195

brainly.ph/question/2084757

brainly.ph/question/1790415

paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng mga pilipino? Magbigay ng halimbawa

Dahil bukas na ang pandaigdigang komunikasyon maari ng kumuha ng mga tao na magiging trabahador ng isang kumpanya dahil sa makabagong teknolohiya.

Halimbawa:

1. May isang kumpanya na nangangailangan ng trabaho at may isang empleyado na walang trabaho dahil siya ay mayroong anak na inaalagaan, sa pamamagitan ng globalisasyon maari na siyang mag trabaho kahit na siya ay nasa bahay lamang. Sa ganitong paraan walang taong walang pera at naghihirap dahil ito sa globalisasyon.

Dahil din sa globalisasyon posible na ang pakikipagkalakalan online.

Halimbawa:

1. Ang isang negosyante ay maaring kumuha ng supply sa ibang bansa ng kanyang produkto na ititinda sa kanyang lugar sa murang halaga lamang sa pamamagitan ng pakikipag transaksiyon online.

2. Mabilis na din ang daloy ng komersiyo sa mga bansa.

3. Globalisasyon  

Ang globalisasyon ay ang pagpapalawig, pagpaparami, at pagpapatatag ng mga koneksyon at ugnayan ng mga bansa sa kapwa bansa, at bansa sa mga international organization sa aspekto ng ekonomiya, politika, kultura at kapaligiran.  Ito ay ang pagsusulong ng pandaigdigang kalakalan o international trade sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pambansang hangganan at pagbabawas sa paghihigpit sa pag-angkat ng mga produkto.

Sa pangkalahatan ang globalisasyon ay pareho lamang nakatutulong at nakakasama sa pamumuhay ng gma Pilipino dahil ito ay may positibo at negatibong dulot sa atin tulad ng;

Positibong Dulot ng Globalisasyon

Nagbabago ang pamumuhay ng mamamayan  

Pagtangkilik sa produktong tatak kanluranin, kulturang asyano.  

Pagbabago at pag-unlad ng isang bansa.

Malakas na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa.

Umuunlad ang bansa.

Negatibong Dulot ng Globalisasyon

Humina at nabura ang pambansang pagkakakilanlan.

Nagiging pamantayan ang wikang Ingles at iba pang wika kaysa sa wikang pambansa

Nalulugi ang lokal na namumuhunan.

Mas napapaboran at kinikilala ang mga hindi lokal na produkto

Sanhi ng Globalisasyon

Pagpapalala sa problemang ekonomiya ng maralita.

Paglaki ng agwat sa maunlad at umuunlad na bansa.

Lumala ang pagitan ng mahihirap at mayayaman.

Karaniwang agrikultura ang pangunahing kabuhayan ng mga papaunlad na bansa

Bunga ng malawakang kahirapan at mahigpit na pangangailangan sa dolyar, ikinokompromiso ng mga pamahalaan ng mga papaunlad na bansa ang kanilang pambansang interes.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:  

Kahulugan ng Globalisasyon: brainly.ph/question/287825

Dahilan ng Globalisasyon: brainly.ph/question/788496

Epekto ng Globalisasyon: brainly.ph/question/856976

#BetterWithBrainly