Sagot :
Ang kahalagahan ng mga halamang ornamental:
Mahalaga ang mga halamang ornamental dahil nagsisilbi itong pampaganda sa ating bahay, maging sa paaralan, parke at ibang mga lugar. Isa pa, maaari itong magsilbing kita sa atin dahil puwede itong ipagbenta. Makakatulong rin ito para mabawasan ang polusyon sa hangin. Gayundin, nagdudulot ito ng sariwang hangin at lilim sa ating lugar. At kapaki-pakinabang ang mga halaman para mapigilan ang pagguho ng lupa o landslide at maging sa baha.
Nakikinabang tayo maging ang ating pamilya ng sa mga nilikhang ito ng Diyos na mga halamang ornamental. Mahalaga na magtanim tayo nito dahil malaking tulong ito sa atin. Magsisilbing aliwan at paglilibangan natin ito sapagkat nagbibigay ligaya ito sa mga mahilig sa halaman. Nililinis rin nito ang maruming hangin na dulot ng masasamang polusyon na galing sa mga sasakyan at sa sinigang basura.
Kapansin-pansin ang mga halamang ito sa ating paligid. Tunay na nakakaaliw at napakagandang tingnan ng mga ito. Kaya subukan na magtanim ng mga ito sa ating bahay at padamihin upang masiyahan.
Nagnanais ka pa bang makapagbasa ng karadagang impormasyon may kaugnayan sa halamang ornamental? Maaari ka pang magtungo dito:
Mga uri ng halamang ornamental: brainly.ph/question/125169
Halimbawa ng halamang ornamental na mataas: brainly.ph/question/629486
Halimbawa ng mga halaman o kaya punong ornamental na mababa: brainly.ph/question/344906
#BrainlyEveryday