Panuto: Basahin at tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag. Iguhit ang √ kung wasto ang pahayag at × naman kung mali.
1. Ang tungkulin ay kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. 2. Ang Karapatan sa buhay ay ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan. 3. Bilang tao, tayo ay may karapatan ding pumili ng propesyon. 4. Ang karapatan ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin( o iwasan ) ang isang gawain. 5. Moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan.