Alin sa sumusunod ang Hindi mabuting epekto ng kontraktuwalisasyon?


Sagot :

Answer:

Kontraktwalisasyon

Ang kontraktwalisasyon ay ang kabaligtaran ng regularisasyon ng isang kompanya o negosyo para sa katayuan ng isang manggagawa. Ito ay hindi permanente o regular sa trabaho na ibinibigay sa mga mangagawa. Ito rin ay pagbibigay kontrata sa isang manggagawa sa mapagkakasunduang panahon ng paggawa.

Mabuting Epekto ng Kontraktwalisasyon sa mga Manggagawang Pilipino

Ang mabuting epekto ng kontraktwalisasyon ay nagkakaroon ng pagkakataon ang isang manggagawang Pilipino na mapalipat sa ibang kompanya o makahanap ng ibang mapagtatrabahuhan dahil hindi maayos o maganda ang pamamaraan at patakarang ipinatutupad nito.

Di-Mabuting Epekto ng Kontraktwalisasyon sa mga Manggagawang Pilipino

Ang kontraktwalisasyon ay hindi makabubuti sa isang manggagawa sapagkat kapag natapos na ang kanyang kontrata sa pinapasukang kompanya maghahanap na naman siya muli ng panibagong mapagtatrabahuhan.

Hindi sapat ang mga nakukuhang benepisyo at allowance ng mga manggagawa kumpara sa mga manggagwang regular o permanente.

Kadalasan ang mga manggagawa sa ilalim nito ay sumasahod ng nasa "minimum wage earner" lamang at hindi sumasapat sa mga pangunahing pangangailangan.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na nasa ibaba:

#BetterWithBrainly