Pagsasanay 2: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap. Kung MALI, palitan ang salitang
nakalihis at isulat sa patlang ang tamang sagot.
1. Tinatawag na migrante ang mga taong lumilipat ng lugar.
2. Ang flow ay ang bilang ng mga nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.
3. Ang panlabas na migrasyon ay nagaganap lamang sa loob ng bansa. Maaaring nagmula ang
tao sa isang bayan, lalawigan o rehiyon patungo sa ibang pook.
4. Irregular migrants ang tawag sa mga nagtutungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,
walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
5. Nagaganap ang migration transition kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba't ibang bansa.​