1. Bakit maituturing na ganap ang pagkakalikha sa hayop at halaman kung ikukumpara siya sa tao? *
a. Dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
b. Dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang
c. Dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging malusog at makaramdam.
d. Dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.

2. Ano ang hinahanap ng tao kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik na gumawa nang naaayon sa kanyang isip at kilos-loob? *
a. Kaalaman
b. Kabutihan
c. Katotohanan
d. Karunungan

3. Ano ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili ng Mabuti o masama? *
a. Isip
b. Puso
c. Kilos loob
d. Kilos – loob Kamay o katawan

4. Anong paraan ang ginagawa ng tao para mapamahalaan ang kanyang kilos upang ito ay maging mabuti? *
a. Sa pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. Sa tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Sa pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
d. Sapagsang guni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan

5. Ito ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain sa dahilang nakikibahagi siya sa
karunungan at kabutihan ng Diyos. *
a. Batas ng Tao
b. Batas Moral
c. Saligang Batas
d. Batas Militar

6. Ito ang layunin ng batas moral sa tao. *
a Katotohanan
b. Kaalaman
c. Kabutihan
d. Kalayaan