Sagot :
Answer:Napakahalaga na may kaugnayan ka sa ibang tao at napapanatili mong matatag ito. Ipagdasal mo na magkaroon ka ng lakas-ng-loob na kausapin ang isang taong pinagkakatiwalaan mo, tulad ng isang kapamilya, kaibigan, lider ng Simbahan, o isang mental health professional. Alalahanin na may mga tao na mas bukas at maunawain kaysa iba dahil sa kanilang kaalaman, sensitibidad, at mga karanasan sa buhay. Hilingin na magkaroon kayo ng panahong makapag-usap—mas malamang na makatulong sa iyo ang pag-uusap ninyo kung ang taong kausap mo ay handang makinig nang mabuti sa sinasabi mo. Maaari kang magsabi (o magtext) ng simpleng bagay na tulad nito, “Alam mo, may problema ako at talagang kailangan ko ng taong handang makinig sa akin.”
Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba at pag-isipan kung paano ka tutugon. Makakatulong ang mga ideyang ito para masimulan mo ang pakikipag-usap.
Explanation: