Gawain 1 Panuto: Kilalanin kung anong uri ng paglalahad ang ginamit sa sumusunod na mga pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang isang taong makabayan ay handang magsakripisyo kung sakaling ang bayan ay malagay sa panganib 2. Taglay ng taong tunay na malaya ang mga katangiang kagaya ng sumusunod: a. pinapaunlad ang sarili upang maging kapaki- pakinabang sa bayan b. sumusunod sa mga alituntunin ng pamayanan c. handang tumulong sa mga nangangailangan 3. Kung ang lahat ng Pilipino ay may malasakit sa bayan mabilis na uunlad ang ating bansa. 4. Ang pagtawid sa tamang tawiran, pagsunod sa batas trapiko sa daan at pati ang paglagay ng basura sa tamang basurahan ay isang halimbawa ng taong nagpapakita ng pagkamakabayan. 5. Masayang tunay ang buhay sa probinsya na di kagaya ng sa siyudad na araw-araw ay habol mo ang oras.