Sagot :
Halimbawa ng Panlaping Kabilaan
Masasabing kabilaan ang panlapi kapag ang salitang ugat ay may unlapi at hulapi. Narito ang ilang halimbawa ng salita na may panlaping kabilaan:
- ka+alam+an = kaalaman
- ka+sinta+han = kasintahan
- pag+sikap+an = pagsikapan
- mag+sigaw+an = magsigawan
- pa+takbo+hin = patakbuhin
- ka+limot+an = kalimutan
- ka+buti+han = kabutihan
- pinag+kain+an = pinagkainan
- ma+sayaw+an = masayawan
- ka+payapa+an = kapayapaan
Mga Uri ng Panlapi
Ang panlapi ay tumutukoy sa isa o ilang pantig na idinadagdag sa salitang ugat upang makabuo ng isang bagong salita. Ito ay may limang uri. Ang mga uri nito ay ayon sa posisyon nito sa salita. Bukod sa panlaping kabilaan, ito ay ang unlapi, gitlapi, hulapi at laguhan. Alamin ang kanilang pagkakaiba-iba sa ibaba.
- Unlapi - Ito ay idinaragdag sa unahan ng salitang ugat. Ilang halimbawa nito ay nakita, nagbasa at masaya.
- Gitlapi - Ito naman ang panlapi na idinadagdag sa gitna ng salitang ugat. Ilang halimbawa nito ay binaon, tinapon at bumaha.
- Hulapi - Ito ay idinaragdag sa hulihan ng salitang ugat. Ang halimbawa nito ay kantahan, salinan at sabihin.
- Laguhan - Ang panlapi namang ito ay idinaragdag sa unahan, gitna at hulihan ng salitang ugat. Ang halimbawa nito ay ipagsumigawan.
Mga Halimbawa ng Laguhan:
https://brainly.ph/question/88097
Halimbawa ng Unlapi, Gitlapi at Hulapi:
https://brainly.ph/question/335203
#LearnWithBrainly